Lyrics

Last Lyrics

  • Ipanalo ang Pamilyang Pilipino – Halalan 2016 Soundtrack

  • Artist: KZ Tandingan and Kokoi Baldo
    Song Title: "Ipanalo ang Pamilyang Pilipino"
    Album: TBA
    Release:JUNE 11, 2015
    Label:ABS-CBN

    KZ_Kokoi_Baldo_Halalan_2016_theme_song_hires



    ABS-CBN has launched the music video for the coming 2016 elections.

    The song, performed by KZ Tandingan and Kokoi Baldo, tells the stories of Filipinos exercising their right to vote in the hope of having a better future for their families.

    KOKOI:
    Doseng oras kumakayod,
    Para sa konting sukli,
    Walang sinabi ang pagod,
    Basta may maiuwi

    KZ:
    Dumi't usok ng lansangan
    Patuloy lalanghapin,
    Babaybayin ang daanan
    Basta may marating

    KOKOI:
    Katuparan sa pangako
    Sana di na magtagal

    KZ:
    Na tulad ng tinta sa daliri
    Tuwing may nahahalal

    BOTH:
    Malasakit sa isa't isa
    Ang magiging tulay
    At ang tamang pagpili
    Ang syang gagabay
    Woh ooh woh oh wooh
    Sabay tayong maghahangad
    Woh ooh woh oh wooh
    Sabay nating titiyakin
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino

    KOKOI:
    Kahit nasa ilalim
    Nangingibabaw ka
    Gagapangin, kakayanin
    Lahat para sa kanila

    KZ:
    Ang iyong pinaghirapan
    Wag sanang sayangin
    Pagdating ng pilian

    KOKOI:
    Kinabukasan ay isipin
    Katuparan sa pangako
    Sana 'di na magtagal

    KZ:
    Na tulad ng tinta sa daliri
    Tuwing may nahahalal

    BOTH:
    Malasakit sa isa't isa
    Ang magiging tulay
    At ang tamang pagpili
    Ang syang gagabay
    Woh ooh woh oh wooh
    Sabay tayong maghahangad
    Woh ooh woh oh wooh
    Sabay nating titiyakin
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino

    KOKOI:
    Kahapon ay hugot ng lakas
    Mata at tainga na bukas

    KZ:
    Karapatan mo ang armas
    Paghihirap sana magwakas

    KOKOI:
    Pagmamahal sa kapwa
    Respeto sa iba
    Isang bubong, walang pader
    Nagkakaisang pamilya

    KZ:
    Dagat man ang pagitan
    Ibat iba ang pinanggalingan
    Iisang bansa
    Sa isip salita't gawa

    BOTH:
    Sabay tayo,
    Sabay tayong maghahangad
    Woh ooh woh oh
    Sabay nating titiyakin
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino
    Woh ooh woh oh wooh
    Sabay tayong maghahangad
    Woh ooh woh wooh
    Sabay nating titiyakin
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino
    Ipanalo ang, (hey) Ipanalo ang (hey)
    Ipanalo ang pamilyang Pilipino

    English lyrics of all the songs. The words of all the songs.